^

Metro

Lalaki buking sa pekeng certification sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Lalaki buking sa pekeng certification sa NAIA
Ayon sa ulat mula sa Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ng BI, ang 30-anyos na pasahero ay sasakay na sana ng Cebu Pacific flight papuntang Hong Kong noong Agosto 15 sa NAIA Terminal 3 nang pigilin ng mga opisyal para sa beripikasyon ng kanyang mga dokumento.
Bureau of Immigration via Facebook

MANILA, Philippines — Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang isang lalaking pasahero na nagtangkang umalis ng bansa gamit ang pekeng Overseas Employment Certificate (OEC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa ulat mula sa Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ng BI, ang 30-anyos na  pasahero ay sasakay na sana ng Cebu Pacific flight papuntang Hong Kong noong Agosto 15 sa NAIA Terminal 3 nang pigilin ng mga opisyal para sa beripikasyon ng kanyang mga dokumento.

Sinabi ni  Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, nagprisinta  ang pasahero  ng  isang OEC na nagpapakita ng trabaho bilang isang administrative officer sa Hong Kong. Subalit sa pagsuri, nabuking na  peke ang OEC.

Bunsod nito, pinigilang makasakay ang pasahero at ngayon ay sumasailalim sa karagdagang imbestigasyon. Naniniwala ang mga awtoridad na nakuha ang pekeng dokumento sa pamamagitan ng mga iligal na online sellers na nagta-target sa mga aspiring overseas worker.

Dahil dito, nagbabala si Viado sa paggamit ng mga mapanlinlang na dokumento ay hindi lamang lumalabag sa mga batas sa imigrasyon at paggawa kundi naglalantad din sa mga manlalakbay sa panganib ng pagsasamantala at human trafficking.

Dagdag ni Viado na ang pagharang sa suspek  bunsod ng pinagsanib na puwersa ng  BI at  Department of Migrant Workers (DMW).

NAIA

OEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with