^

Metro

Mag-live in partner, dinakip sa pagpatay sa 2 babae

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Natunton sa motel

MANILA, Philippines — Sa isang motel sa Caloocan natunton ng mga tauhan ng Caloocan City Police, Zambales Police Provincial Office (PPO) at Police Regional Office 3 (PRO3) kamakalawa ang mag-live in na sinasabing suspek sa pamamaril at pagpatay sa dalawang babae  sa Zambales nitong  Huwebes.

Ayon kay kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Jerry Protacio ang mga suspek na sina alyas “Jinky” 30 at alyas “Benedict”, 34, ang itinuturong suspek sa  pagkamatay nina alyas “Khang-Khang”, 24, at sa isang alyas “Leng-Leng”, na kapwa  police asset.

Batay sa imbestigasyon bandang alas-11:30 ng  tanghali nitong Sabado nang  tunguhin ng mga operatiba ang  Room 131 ng  Sogo Hotel sa Bagong Barrio, Caloocan City, makaraang makuhanan ng  CCTV ang SUV na may plakang  NVO 573 na sinakyan ng mga suspek.

Bago ito, sinabi ni Caloocan police chief PCol. Joey Goforth, na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa insidente kaya agad nilang sinurveillance ang  motel at nakumpirmang naka-check in ang mga suspek nang lumabas ng  motel si alyas “Jinky” para bumili ng sigarilyo.

Mabilis na  inaresto  si alyas “Jinky”  na sinundan ng pagkakaaresto kay alyas “Benedict” sa loob  kanilang kuwarto.

Nabatid naman kay Zambales Provincial Director PCol. Benjamin Ariola, inaalam pa  rin nila kung may iba pang  kasabwat ang maglive-in partner sa pamamaslang  sa mga biktima na nakuhanan  ng 15 sachet ng  shabu.

Nakuhanan ng  baril ang mga suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng Zambales PPO gayundin ang  SUV.

CALOOCAN

MOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with