^

Metro

May 142 counts sa kasong qualified theft, call center agent timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
May 142 counts sa kasong qualified theft, call center agent timbog
Kinilala ang suspek na si alyas “Gino”, 37, ng Alabang, Muntinlupa City at itinuturing na Rank No. 9 sa Top 10 Most Wanted Person sa District level ng Manila Police District (MPD).
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang call center agent na wanted sa 142 bilang ng kasong qualified theft ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Binondo, Manila, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si alyas “Gino”, 37, ng Alabang, Muntinlupa City at itinuturing na Rank No. 9 sa Top 10 Most Wanted Person sa District level ng Manila Police District (MPD).

Batay sa ulat ng MPD-Meisic Police Station 11, dakong alas-5:10 ng hapon nang madakip ang suspek sa Numancia St. sa Binondo.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa kinaroroonan ng suspek kaya’t kaagad itong inaresto.

Hindi na nakapalag ang suspek nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng MPD ang warrant of arrest sa kasong 142 bilang ng qualified theft na inisyu ni Hon. Lucia Purungganan, Presi­ding Judge ng Manila Regional Trial Court Branch 30.

TIMBOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with