^

Metro

Total ban sa street parking, mahirap ipatupad - MMC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Metro Manila Council president at San Juan Mayor Francis Zamora na mahihirapang ipatupad ang  total ban sa street par­king kaya kailangan ang  masusing pag-aaral sa planong pagpapatupad  nito bilang bahagi ng pagpapaluwag ng mga lansangan sa Metro Manila.

“Yung total ban po I think would be very, very hard,” pahayag ni Zamora sa panayam ng radyo noong Sabado.

Ayon kay Zamora, kailangan ding  pag-aralan kung saan papupuntahin ang mga sasakyan na maapektuhan lalo’t marami sa mga kalsada sa Metro Manila ay ipinagbabawal na ang pagparada.

Para sa kaniya, puwede namang paradahan ang mga inner roads at tertiary roads na malayo sa main roads at hindi masyadong dinadaanan ng mga sasakyan.

Posible  ring maapektuhan ang ordinansa na umiiral na sa bawat lungsod sa Metro Manila na pinapayagan sa mga inner road ang ang one side at overnight par­king at magkaka-iba ang demographics.

“Other cities have different demographics. ‘Yung iba mas urban, yung iba mas commercialized, yung iba naman hindi as commercialized, iba iba po talaga ang sitwasyon kada lungsod kaya mahirap magkaroon ng one sweeping policy,” dagdag pa ni Zamora.

FRANCIS ZAMORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with