^

Metro

Pagdagsa ng pasyente sa ospital, asahan – DOH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagdagsa ng pasyente sa ospital, asahan – DOH
Ito naman ang sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa kasunod ng implementasyon ng “zero-balance billing” na inihayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA nitong Lunes.
Miguel De Guzman/The Philippine STA

Sa ‘zero-balance billing’

MANILA, Philippines — Asahan na ang pagdagsa ng mga pasyente sa ospital.

Ito naman ang sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa kasunod ng implementasyon ng “zero-balance billing” na inihayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA nitong Lunes.

Ayon sa DOH, nasa 87 DOH hospitals sa buong bansa ang nagpapatupad nang “zero-balance billing”.

Gayunman, nilinaw ni Herbosa na hindi kasama dito ang apat na government-owned and controlled corporations (GOCC), na kinabibilangan ng Philippine Heart Center, Philippine Lung Center, National Kidney Transplant Institute at Philippine Children’s Medical Center.

Ani Herbosa, upang mai-avail ang zero-balance billing, kailangang ma-admit ang pasyente sa basic accommodation o sa ward ng isang DOH hospital.

Gayunman, hindi aniya ito aplikable kung ang pasyente ay nagpa-admit sa private ward na may bayad ang room at doktor.

“Basta ‘wag lang kayo nasa private, kasi pag nagpunta ka sa private may bayad yung doctor, may bayad yung room. Basta nasa basic accommodation ka ng DOH, bayad na ang bill mo,” aniya pa.

Nabatid na ang hospital bills ng mga pasyente ay sasagutin ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) habang ang iba pang procedures na hindi sakop ng PhilHealth ay sasagutin naman ng iba pang health funds at government agencies.

OSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with