2 high value drug suspect, nalambat sa higit P1.7 milyong illegal drugs
MANILA, Philippines — Kalaboso ang dalawang high value drug suspects makaraang makuhanan ng shabu, ecstasy at vape sa hiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Malabon at Navotas City Police sa CAMANAVA area kamakalawa.
Batay sa report na isinumite kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Jerry Protacio, bandang alas-2:57 ng madaling araw kahapon nang madakma ng SDEU-Navotas CPS ang babaeng drug suspect na si alyas “Rose”, 47, sa H. Lopez St., Brgy. San Rafael Village, Navotas City. Nakuha dito ang nasa 73.65 gramo ng shabu na may street value na P500,820.00, 302 tablets ng ecstasy na may halagang P513,400.00, 90 vape cartridges ng suspected marijuana oil na nagkakahalaga ng P630,000.00 at marked money.
Bago ito, isang drug suspek din na si alyas “Miyo”, 47, ang dinakip ng Malabon City Police Station sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Santulan, Malabon City.
Nakuha rito ang nasa 10 gramo ng shabu na may halagang P68,000.00, one (1) caliber .38 revolver at tatlong live ammunition.
- Latest




















