^

Metro

Ex-Piston President George San Mateo, pumanaw na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumanaw na sa edad na 60-taong gulang ang dating national president ng transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na si George San Mateo, o mas kilala sa tawag na “Ka George”.

Sa anunsiyo ng grupo, nabatid na si San Mateo, ay sumaka­bilang-buhay dakong alas-9:00 ng gabi noong Biyernes, Hulyo 25, dahil sa atake sa puso.

“Ka George was known across the country as a fearless leader and activist fighting for the rights and welfare of jeepney drivers, operators, and working people,” anang grupo, sa isang pahayag.

Nabatid na bago maging national president ng Piston, si San Mateo ay naging tsuper at operator.

Kilala siya sa pamumuno sa mga welga upang tutulan ang pagtaas ng presyo ng langis at sa jeepney phaseout program ng gobyerno.

Noong 2017, ina­resto siya sa ilalim ng admi­nistrasyon ni dating­ ­Pangulong Rodrigo Duterte matapos na pamunuan ang isang transport strike ngunit malaunan ay napawalang-sala noong 2020.

GEORGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with