Putol na binti ng tao lumutang sa creek
MANILA, Philippines — Isang putol na binti ng tao ang natagpuang lumulutang sa creek sa kamakalawa ng hapon sa Brgy. Bagbag, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang kanang putol na binti ng tao bandang alas-4 ng hapon nitong Miyerkules sa creek ng Job St. Goodwill Homes 2 Subd., Brgy. Bagbag, Novaliches, ng nabanggit na lungsod.
Ang putol na binti ng tao ay may bandage.
Lumilitaw na iniinspeksiyon ng isang Marissa Lastimado ang kanyang apartment sa tabi ng creek nang mapansin ang putol na binti kaya agad siyang humingi ng saklolo sa pulisya.
Sa pagsisiyasat ng SOCO Team ng QCPD-FU sa pangunguna ni PCpt. Rey Ebol, “surgically cut-off” ang binti na nangingitim na.
Nasa Bossing Funeral Service ang putol na binti para sa safekeeping.
- Latest


















