^

Metro

Onsehan sa droga: Binata, todas sa mag-ama

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 25-anyos na lalaki ang binaril at pinatay ng mag-amang pinaniniwalaang sangkot sa bentahan ng iligal na droga kamakalawa ng tanghali sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang si Juan Miguel Leona, alyas “Migmig” habang pinaghahanap naman ang mag-amang suspek na sina Elmer Maddela, 45 at anak na si Jaymer, 22.

Sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nangyari ang insidente bandang 12:30 ng hapon nitong Martes sa loob ng Zero Waste Compound, sa Republic Ave., Brgy. Holy Spirit, QC.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Alexiss Mace Jurado, isang testigo ang nakakitang hinahabol ni Elmer ang biktima at nang maabutan ay agad na pinagbabaril.

Bagamat sugatan, nakatakbo pa ang biktima at pumasok sa Zero Waste Compound subalit pinagbabaril pa rin ng ni Elmer.

Isang testigo na alyas “Dindo” ang nagsabing nakasalubong naman niya ang anak ni Elmer na si Jaymer at humingi ng tulong para itulak ang motorsiklo patungong Area 3, dahil nawala umano ang susi nito.

Tinulungan ni alyas “Dindo” si Jaymer subalit lumitaw na ang motorsiklo ay pag-aari pala ng biktima.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang Jaguar caliber .38 revolver, dalawang basyo ng bala, at apat na plastic sachet ng shabu.

Lumabas naman sa Investigation Solution Automatic Verification (ISAV) system na ang biktimang si Migmig ay may mga kasong theft at sa ilegal na droga habang ang mag-ama ay may mga kasong paglabag sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

DROGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with