^

Metro

Trader, 1 pa arestado sa iligal na notary

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Trader, 1 pa arestado sa iligal na notary
Batay sa report na tinanggap ni Acting Northern Police District Director PBGen. Arnold Abad, bandang ala-1:30 ng hapon nitong Huwebes sa West Grace Park, Brgy. 71, Caloocan City.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Isang negosyante at tauhan nito ang dinakip sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Caloocan City Police kama­kalawa sa nabanggit na lungsod.

Batay sa report na tinanggap ni Acting Northern Police District Director PBGen. Arnold Abad, bandang ala-1:30 ng hapon nitong Huwebes sa West Grace Park, Brgy. 71, Caloocan City.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang 81-anyos na abogado na umano’y ginagamit ang kanyang pangalan, dry seal at pirma sa pagnonotaryo.

Nabatid na bago ang police operation, nagsagawa muna ng beripikasyon at surveillance ang mga pulis hanggang sa ikasa ang entrapment operation kung saan isang pulis ang nagsilbing poseur-client at nagpanotaryo sa mga suspek.

Nang ­magpositibo, agad na inaresto ang mga suspek at kinum­piska ang mga gamit sa pagnonotaryo kabilang ang acknowledgment receipt, dalawang pekeng Affidavit of Loss of Driver’s ­License na may ­pangalan at dry seal ng isang Atty. Valmores, metal dry seal, apat na iba’t ibang ­rubber stamps, bundle ng blank acknowledgment receipts na may pangalan ng complainant at notarial registration book.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Article 177 (Usurpation of Autho­rity), Article 315 (Estafa through Other Deceit), at Article 172 (Falsification by Private Individuals) ng Revised Penal Code.

Sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMajor Gen. Anthony Aberin, ang pagkakahuli sa mga suspek ay bunsod ng pinaigting na kampanya upang mapanatili ang peace and order sa Metro Manila.

CALOOCAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with