Mayor Joy pinangunahan graduation rites ng LGBTQIA+ community

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Rainbow Graduation ng may 300 miyembro ng LGBTQIA+ sa MICE building sa Quezon City hall Compound.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Belmonte na ang QC ay mananatiling bukas para sa lahat at tagapagtanggol ng sektor anuman ang kasuotan.
Umaasa si Belmonte na balang araw ay makapag martsa na rin ang mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kani-kanilang paaralan at hindi lamang sa Quezon City hall grounds.
“Sa Quezon City kayakap namin kayo, kasama kayo sa bawat hakbang, mahigpit ang pagtanggap” sabi pa ni Belmonte.
Ngayong sabado, dadaluhan ng may 250,000 miyembro ng LGBTQIA+ ang pinaka malaking Pride Festival ngayong taon sa UP Diliman Quezon City na inorganisa ng QC LGU.
- Latest


















