^

Metro

PAS inilunsad ng DOH para sa mabilis na check-up

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang Patient Appointment System (PAS) para matiyak na magiging mas kumbinyente ang pagtatakda ng medical check-ups ng mga pasyente.

Nabatid na ang PAS ay kasalukuyang bukas sa tatlong pangunahing pagamutan sa Maynila.

Kabilang dito ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital, at Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Ayon sa DOH, madali lamang ang pagkuha ng appointment sa PAS at maaaring abutin lamang ng mula dalawa hanggang tatlong minuto.

Kinakailangan lamang umanong bisitahin ng pasyente ang https://patientappointment.doh.gov.ph at kumpirmahin kung sang-ayon silang gumamit ng PAS.

Kailangan ding piliin kung saang pagamutan nais magtungo at ano ang serbisyong kinakailangan.

Maaari na ding piliin ang oras at petsa ng appointment at pirmahan lamang ang kinakaila­ngang mga impormasyon

Kailangan ding i-screenshot ang impormasyon bago i-submit dahil ito ang ipapakita sa pagtungo sa pagamutan.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, makatutulong ang PAS upang hindi masayang ang oras at pagbiyahe ng mga tao.

“Ito, at least, alam mo na hindi ka masasaya­ngan ng pagbiyahe. Wala kang takot kasi secured na ‘yung appointment mo,” aniya pa.

PAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with