^

Metro

Napoles guilty uli sa graft

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Napoles guilty uli sa graft
Kasama rin sa sinen­tensiyahang makulong ng anim hanggang walong taon sina dating Technology Resource Center (TRC) Deputy Director General Dennis L. Cunanan, Group Manager Maria Rosalinda M. Lacsamana, private individual na si Evelyn D. De Leon at Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hinatulang guilty ng Sandiganbayan 7th Division ang negosyante si Janet Napoles  kaugnay ng kasong graft hinggil sa P2.7 milyon Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Kasama rin sa sinen­tensiyahang makulong ng anim hanggang walong taon sina dating Technology Resource Center (TRC) Deputy Director General Dennis L. Cunanan, Group Manager Maria Rosalinda M. Lacsamana, private individual na si Evelyn D. De Leon at Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon.

Sina Napoles ay napatuna­yang guilty sa kasong graft bunsod ng paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang hatol ay nakasaad sa 191-page decision ng Sandiganba­yan na isinulat nitong May 30 ni Associate Justice Zaldy V. Trespeses na sinang ayunan naman ng Special Seventh Division Chairperson at Associate Justice Ma. Theresa Dolores C. Gomez-Estoesta at Associate Justice Georgina D. Hidalgo.

Kaugnay nito, napawalang-sala naman sa kasong ito sina dating Department of Budget and Management (DBM) undersecretary Mario L. Relampagos, group manager for Corporate Support Services Francisco B. Figura, internal auditor Maurine E. Dimaranan at budget officer Consuelo Lilian R. Espiritu dahil sa kakulangan ng ebidensiya na nagdidiin sa mga ito sa kaso.

Samantala, ikinagulat ng kampo ni Biazon ang naging hatol ng Sandiganbayan lalo na’t nauna na itong na-abswelto sa isang kaugnay na kaso hinggil sa paggamit ng pondo ng ba­yan. Ang nasabing kaso ay ibinasura ng Sandiganbayan sa pamamagitan ng demurrer to evidence, dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Anang kampo ni Biazon mananati­ling matatag at nakatutok ang alkalde sa kanyang mandato bilang Ama ng Lungsod ng Muntinlupa at ipagpapatuloy ang mga programa at serbisyong nakalaan para sa mga Muntinlupeño.

Nakatakdang mag­hain ng apela si Biazon at naniniwala na maipapanalo ang natitirang kaso, lalo’t dalawang beses na siyang napawalang-sala sa magkaugnay na mga kasong isinampa noon laban sa kanya.

PDAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with