‘Sadako girl’ lumitaw sa drainage
MANILA, Philippines — Pinaghahanap ang isang babae na tinawag na “Sadako girl” na gumulat sa mga motorista at ilang residente nang unti-unting lumabas mula sa napakaliit na butas ng drainage, sa Legazpi Village, Makati City.
Nai-post ng isang RoghMasterpiecei sa Reddit ang larawan ng babaeng gumapang palabas ng drainage sa pagitan ng Rufino at Adelantado Street sa Legazpi Village.
Nagulantang ang mga nagdaraang motorista dahil sa paglutang ng ulo ng babae hanggang sa unti-unting nailabas ang katawan mula sa nasabing drainage.
Nagtatakbo palayo ang babae habang natagpuan naman sa drainage ang mga personal na gamit nito.
Pinaniniwalaang matagal nang doon nanunuluyan ang babae at posibleng may problema rin sa pag-iisip.
Patuloy siyng hinahanap maging ng mga tauhan ng Department of Social Welfare upang mabigyan ng kinakailangang atensyon tulad ng ligtas na matutuluyan at iba pang pangangailangan at isasailalim siya sa medical at psychological check-up.
- Latest



















