2 huli sa pen gun ng Foot Patrol
MANILA, Philippines — Tiklo ang dalawang lalaki sa lantarang pagdadala ng improvised firearm matapos maaktuhan ng mga nagpapatrulyang pulis, sa Maynila at Makati.
Dakong alas-11:40 ng gabi ng Mayo 24, 2025 nang maaresto si “Jayson”, 18, ng 2nd Street sa loob ng Manila North Cemetery, sa Sta. Cruz, Manila, ng mga tauhan ng Manila Police District Station 3 na nagsasagawa ng motorcycle patrol.
Samantala, nitong Mayo 23, Inaresto rin ang isa pang lalaki na may dalang pen gun at matatalim na bagay, sa Emelia St. corner Bautista St., Barangay Palanan, Makati City.
Sa sumbong ng concerned citizen, pinuntahan ang suspek na may hawak na baril at may bitbit na eco bag na naglalaman ng kutsilyo, blade ng lagare, at improvised ice axe.
Hinihinalang tumitiyempo ang suspek kung saan siya posibleng makapanloob o magnakaw dahil ang mga nasamsam ay mga gamit para mabuksan ang bahay o establisyementong nais pagnakawan.
Kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), in relation to Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code) ang isasampang reklamo laban sa dalawa.
- Latest





















