^

Metro

1-anyos na bata, natagpuan sa gitna ng kalsada

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muntik masagasaan ang isang taong gulang na bata matapos matagpuang nakaupo sa gitna ng kalsada sa West Avenue, Quezon City, nang mapansin ito ng isang motorcycle rider habang nagmamaneho kamakailan.

Sa Facebook video  ni Blake Tan, napansin niya ang bata na una niyang inakala umanong aso dahil sa madalim ang daan. Nang matapatan niya ng ilaw at huminto ng kanyang motorsiklo, agad siyang nag-menor at huminto upang iligtas ang bata.

Kasama ang angkas, inialis ng rider ang bata sa gitna ng kalsada at dinala sa bangketa upang hindi masagasaan ng mga sasakyang mabilis na dumaraan.

Doon nila nalaman na anak pala ito ng isang lalaking homeless na agad ding lumapit sa kanila dahil nawala umano ang anak nito sa kanilang kariton.

Hinala ng dalawang rider, nagising ang bata at nang mapansing wala sa tabi nito ang ama ay sinubukan nitong hanapin sa pagtawid sa kalsada nang gumagapang.

Ayon sa isang social welfare officer, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mga magulang noong araw na iyon. Umalis ang ina at naiwan sa panga­ngalaga ng ama ang bata bago ito napunta at naiwang mag-isa sa gitna ng kalsada.

Nagpasalamat naman ang ama sa dalawang sakay ng motorsiklo sa pagkakasagip sa kanyang anak mula sa posibleng aksidente.

Rumesponde rin ang mga social worker ng Que­zon City matapos maiulat ang insidente ngunit hindi na nila natagpuan ang pamilya. Kalaunan, napag-alaman ng mga opisyal ng social welfare na ang bata ang bunso sa dalawang magkapatid na nakatira umano kasama ang kanilang pamilya sa isang kariton.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with