^

Metro

Buong operasyon ng Pangasinan Solid North tigil muna

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Buong operasyon ng Pangasinan Solid North tigil muna
speeding Solid North bus crashed into several vehicles at an SCTEX toll plaza in Tarlac City.
Philippine Red Cross via Facebook

MANILA, Philippines — Nagpasya ang pamunuan ng Pangasinan Solid North bus company na itigil muna ang lahat ng kanilang operasyon matapos iutos ng Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ng 30 araw ang buong fleet nito habang iniimbestigahan ang naganap na  madugong salpukan ng mga sasakyan sa SCTEX – Tarlac nitong nagdaang araw.

Ang Solid North bus na pinangangasiwaan ng  Dagupan Bus Company ay napaulat na nabangga ng kanilang bus ang apat pang ibang sasakyan na kumain ng 12 buhay at pagkasugat ng 37 katao.

“In compliance with the directive of DOTr, Pangasinan Solid North Transit, Inc. (PSNTI) has stopped its whole operations. For its patrons, unless otherwise provided, all trips of PSNTI are temporarily suspended. Effectively, all affected advance bookings may request for their respective cancellations,” ayon sa abiso ng ­Pangasinan Solid North na sinabi pang handa nilang harapin ang suspension order.

Una nang inutos ni DOTr Secretary Vince Dizon na suspendihin ng isang buwan ang lahat ng unit ng  Pangasinan Solid North na dati ay umaabot lamang sa 15 units ang isinailalim sa suspension order.

Nilinaw ni Secretary Dizon na buong fleet na ng Pangasinan Solid North ang suspendido hindi lamang ang rutang papuntang Pangasinan kung saan nangyari ang aksidente, kundi yung buong fleet na ng Pangasinan Solid North ay sakop ng 30 days suspension.

Sa pangyayaring ito ay takdang kasuhan ng kriminal ang  Solid North at ang bus driver na sangkot sa aksidente tulad ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides, multiple physical injuries, a multiple damage to property.

SOLID NORTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with