P42 biyong large scale estafa isinampa vs operators ng online gaming
MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong P42-B large scale estafa sa Department of Justice ni Atty Mark Kristopher Tolentino ng MKT Law ang mga operator ng online gambling platform na nakapanloko ng libu-libong Pinoy na mamumuhunan sa high-return online prediction game.
Ilan sa mga kinasuhan ay sina “Anna”, “Edwin”, “Gio”, “ Michael”, “John”, pawang taga Valle Verde, Brgy. Ugong Pasig at “James”, “David”, “Max”, “Andrew” at “Spencer” ng BGC Fort Bonifacio Taguig City.
Bilang legal counsel ng mga biktima, sinabi ni Tolentino na binudol umano ng PROCAP International ang kanyang mga biktima nang hikayatin na mamuhunan kapalit ang pangako na kikita ang kanilang investments. Tinagurian itong “largest financial frauds” sa bansa.
Batay sa reklamo, ang PROCAP International na kilala rin bilang PROCAP Insurtech Ltd. at PROCAP Quantum 7 ay isang platform na gumagamit ng “7-quantum formula” kung saan kikita umano ang kanilang puhunan ng 6% hanggang 42% kada buwan kung makakapagbigay ng tamang prediction araw-araw. Ipinangako rin ng PROCAP na protektado ang kanilang puhunan sa ilalim ng “capital protection program.”
- Latest





















