^

Bansa

Pangulong Marcos: Wag ‘kamote’ sa kalye

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Wag �kamote� sa kalye
President Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Dahil sa sunud-sunod na insidente ng road rage sa bansa, nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga motorista na huwag maging kamote sa kalsada.

Sa inilabas na vlog ng Pangulo, nagtataka siya dahil parang nabago na ang kultura ng mga Pilipino pagdating sa daan dahil mistulang mga siga, nagkakaron pa ng sigawan sa kalye, sagutan at bangayan, duruan at sindakan na nauuwi pa sa barilan at kamatayan.

Nagtataka ang Presidente kung saan kinu­kuha ng mga motorista ang kanilang tapang at parang natural na lamang aniya ang komprontasyon at karahasan.

“Ang tatapang lahat, ang sisiga ng lahat ano na ba ang kultura na ito na pagiging siga sa daan, saan ba natin nakuha ito, ano na ba ang nangyayari sa atin at parang natural lang ang mga ganitong komprontasyon at karahasan?” giit pa ni Marcos.

Payo ni Pangulong Marcos, kailangang sumunod ang lahat sa batas trapiko, kailangang maging ­responsableng Pilipino sa kalye at huwag maging kamote dahil masyado nang marami nito.

Nilinaw pa ng Presidente na ang lisensya sa pagmamaneho ay isang pribilehiyo at hindi ito karapatan. Maliban sa dunong sa pagmamaneho ay kailangang ayusin ang pag-uugali at habaan ang pasensya.

Payo rin ni Pangulong Marcos sa mga tao sa paligid, umawat sa halip na mag-video at ituring na mayroong tungkulin na panatilihin ang kapayapaan sa ­paligid natin.

Kailangan din aniyang mag-ingat sa pananalita, magtimpi at ­piliin ang kapayapaan dahil ang lahat ay napapag-usapan nang ­maayos at malumay bagama’t nauunawaan naman aniya na nakakainit ng ulo ang mga trapik at kung minsan ay napapasabay sa daan sa mga hindi sumusunod sa batas.

Giit pa ng Pangulo, palampasin na lamang ito, dahil wala namang mawawala sa atin kung 1 hanggang 20 minuto ang pagbigyan natin at huwag nang pumatol pa dahil tayo rin aniya ang lugi dahil mayroon pa pamilya na uuwian.

ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->