2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang kumpirmadong patay habang pito naman ang sugatan kasunod ng karambola ng tatlong sasakyan kahapon ng umaga sa Commonwealth Ave. Quezon City.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas-7 ng umaga sa Commonwealth Ave. patungong Fairview.
Mabilis at pagewang-gewang umano ang takbo ng jeep na may plakang TWU 475 na mula PHILCOA at patungo sana ng Jordan Plains.
Kasunod nito, bumaligtad ang pampasaherong jeep na bumangga sa isang kotse at isang modern jeepney.
Sa kumpirmasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, pawang pasahero umano ng traditional jeepney ang naiulat na nasawi.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng traditional jeepney.
Nagdulot naman ng matinding pagsisikip sa daloy ng mga sasakyan sa Commonwealth Avenue ang insidente.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng aksidente.
- Latest


















