^

Metro

OTS, pinagtibay ang cybersecurity sa transport sector

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatitibay ng Office for Transportation Security (OTS) ang cybersecurity sa sektor ng transportasyon upang labanan ang banta ng terorismo at tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Sa inilabas na Cyber Security Alert Advisory ng OTS nitong unang linggo ng Abril, binigyang gabay at babala nito ang mga stakeholder sa sektor ng transportasyon laban sa mga bagong banta sa cyberspace.

Bilang pangunahing tagapangasiwa ng seguridad sa mga sistema ng transportasyon, patuloy ang hakbang ng OTS para mapalakas ang proteksyon laban sa cyber threats.

Kabilang sa mga inisyatibo nito ang aktibong pakikilahok sa isinasagawang Transportation Security Risk Assessment na layong matukoy ang mga kahinaan at paigtingin ang mga hakbang upang maprotektahan ang sensitibong datos at sistema.

Sa pagpapatibay ng cybersecurity framework, layunin ng OTS na ma­panatiling ligtas ang mga biyahero at ang buong transport system mula sa banta sa mga sensitibong datos at iba pang uri ng cyber threats.

OTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with