^

Metro

2 Grade 8, patay sa saksak ng 3 estudyante!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
2 Grade 8, patay sa saksak ng 3 estudyante!
Kinilala ang mga biktima na sina alyas Joshua at alyas Rye; pawang 15-anyos; kapwa estud­yante ng Captain Albert Aguilar High School at mga residente ng Brgy. CAA ng lungsod. Ayon sa pulisya ang mga suspect naman ay kinabibilangan ng Grade 7, 9  at 10 na hindi tinukoy ang mga pagkakakilanlan dahilan mga menor de edad ang mga ito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang Grade 8 students na magpinsan ang nasawi makaraang kuyugin at pagsasaksa­kin ng tatlong estudyante habang pauwi na ang mga ito mula sa paaralan sa lungsod ng Las Piñas City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina alyas Joshua at alyas Rye; pawang 15-anyos; kapwa estud­yante ng Captain Albert Aguilar High School at mga residente ng Brgy. CAA ng lungsod. Ayon sa pulisya ang mga suspect naman ay kinabibilangan ng Grade 7, 9  at 10 na hindi tinukoy ang mga pagkakakilanlan dahilan mga menor de edad ang mga ito.

Sa ulat ng Las Piñas City Police Station, alas 7 ng gabi kamakalawa nang maganap ang krimen sa Balikatan St., CAA, Las Piñas nang harangin at daluhungin ng mga suspect na pawang armado ng patalim ang  mga biktima na pinagsasaksak ng mga ito saka mabilis na tumakas.

Nagawa pang maisugod sa Las Piñas Doctors Hospital si Joshua pero idineklara na itong dead on arrival ni Dr. Daniel Soriano ganap na alas-7:42 ng gabi habang si Rye naman na may saksak sa leeg bagaman nailipat pa sa Las Piñas District Hospital ay nabigo na ring maisalba ang buhay.

Isinuko naman ng kanilang mga magulang ang tatlong Children In Conflict with the Law (CICL) na may edad 14, 15 at 16 na pawang estudyante rin ng nasabing eskwelahan at mga residente ng Brgy. Manuyo Dos ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ni Las Piñas City Police chief, P/Colonel Sandro Jay Tafalla, lumilitaw naman na isang simpleng alitan lamang sa comfort room ang motibo ng pananaksak sa mga biktima na nagpatay sindi sa ilaw na ikinagalit ng isa sa mga suspect. Pansamantalang itu-turnover sa Bahay Pag-asa sa Las Piñas City ang 3 menor-de-edad na mga suspect base sa protocol sa paghawak ng mga kaso ng CICL.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with