^

Metro

Dinukot na Chinese trader, driver natagpuang patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Dinukot na Chinese trader, driver natagpuang patay
Map of Rizal with Rodriguez highlighted
Wikipedia photo

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Philippine National Police Anti Kidnapping Group hinggil sa nadiskubreng bangkay ng isang Chinese trader at driver nito sa Rodriguez, Rizal kahapon ng umaga na pinaniniwalaang dinukot noong nakaraang buwan sa Valenzuela City.

Bandang alas-6 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng mga biktima sa Barangay Macabud, Rodriguez, Rizal na nakalagay sa nylon bag na nakatali ng lubid at nakabalot ng duct tape ang mukha. Isa sa mga biktima ang may mga sugat mukha.

Isang security officer ang nagsabi na isang negosyanteng Chinese ang biktima na may malaking negosyo sa Valenzuela City.

Samantala, nakikipag ugnayan na naman ang mga tauhan ng Highway Patrol Group kay PNP Calabarzon Director PBGen. Kenneth Lucas sa inabandonang Lexus LM350 multi-purpose vehicle sa Barangay Bahay Toro bandang alas-10 ng umaga kahapon.

Ayon kay HPG Director PBGen. Eleazar Matta, bineberipika pa nila kung konektado ang nasabing sasakyan sa negosyante na biktima ng kidnap-for-ransom noong Marso 29.

“This development is a crucial step in assisting the lead investigators in resolving a major crime,” ani Matta.

Sinabi ni Matta na nakatanggap sila ng tawag hinggil sa abandonadong sasakyan sa Seminary Road.

Alas 4 ng hapon ng Marso 29nang iwan ng mga nakahood na kalalakihan ang sasakyan.

Lumilitaw na umalis ang mga biktima sa Valenzuela para magtungo sa meeting sa Parañaque City hanggang sa makatanggap ng tawag ang pamilya ng biktina na dinukot ang negosyante at nanghihingi ng multi-million dollar ransom.

Iniimbestigahan na ng Anti-Kidnapping Group ang kaso.

RIZAL

RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with