^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Mga pangalan na hindi malilimutan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Mga pangalan na hindi malilimutan

NAKABALIK na sa bansa si Vice President Sara Duterte makaraan ang halos isang buwan na pananatili sa The Hague, Netherlands, kung saan nakadetine sa International Criminal Court (ICC) facility ang kanyang amang si dating President Rodrigo Duterte na inaresto noong Marso 11 dahil sa kasong crimes against humanity. Habang nasa The Hague, isinaayos ni Sara ang pagbuo ng defense team ng kanyang ama na binubuo ng mga dayuhang abogado.

Sa pagbabalik niya sa bansa, inaasahan na ang haharapin naman niya ay ang kanyang kaso kaugnay sa hindi maipaliwanag na paggamit ng kanyang confidential funds. Na-impeached si Sara noong Pebrero ng House of Representatives at nakatakda ang pagdinig ng Senado sa kanyang impeachment case sa Hulyo 30.

Habang papalapit ang pagdinig, patuloy naman ang paglutang ng mga “kakatwang pangalan” na tumanggap ng confidential funds. Ang mga bagong pangalan na lumutang ay sina Beverly Claire Pampano, Mico Harina, Patty Ting, Ralph Josh Bacon at Sala Casim. Ang nakadiskubre ng mga bagong pangalan ay si House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union. Ayon kay Ortega, masusi niyang sinuri ang acknowledgement receipts na isinumite ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA). Nasa P612.5 milyong confidential funds ang iniimbestigahan dahil sa iregularidad.

Una nang lumutang ang mga pangalang Mary Grace Piattos, Kokoy Villamin, Fernando Tempura, Carlos Miguel Oishi, Reymunda Jane Nova, Chippy McDo­nald, Pia Piattos-Lim, Renan Piattos, Xiaome Ocho, Jay Kamote, Miggy Mango, Dodong Alcala, Dodong Bina, Dodong Bunal, Dodong Darong, at Dodong S. Barok.

Noong Disyembre 2024, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang mga nabanggit na pa­ngalan ay wala sa kanilang data base. Wala umanong record para sa individual’s birth, marriage at maski death record. Isinumite ng PSA ang kanilang findings sa House committee on good government and public accountability na nag-iimbestiga.

Ang paglutang ng mga bagong “kaduda-dudang” pangalan ay lalong nagdaragdag sa hinala na may anomalya sa paggamit ng confidential funds. Sinabi naman noon ni Sara na haharapin niya ang mga ina­akusa at may nakahanda na umano silang depensa.

Kaduda-duda at kahina-hinala ang mga pangalang nakalagda sa acknowledgement receipts. Marami ang mag-aabang sa paghalukay sa mga pangalang ito na ang ilan ay hindi malilimutan. Dapat makilala kung sino ang nasa likod ng mga pangalan sapagkat ang nakataya rito ay pera ng taumbayan. Panagutin ang nagkasala.

NAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->