Katiting na rollback sa petrolyo, asahan
MANILA, Philippines — Asahan ang katiting na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo na ipatutupad sa susunod na linggo.
Batay sa huling ulat, ipatutupad sa Martes ang posibleng tapyas na P0.20 sa kada litro o walang paggalaw sa dating presyo ng gasolina at diesel habang sa kerosene ay P0.50 hanggang P0.60 ang pagbaba sa bawat litro.
Una nang iniulat na ang mga presyo ng gasolina ay tataas ng P0.24 sa kada litro, P0.21 sa kada litro ng diesel, at walang paggalaw ng presyo para sa kerosene.
Ang pagbaba ng presyo ay dahil sa pagpapataw ng Estados Unidos ng malalaking taripa sa mga produkto mula sa maraming bansa, kabilang ang mga kaalyado nito at ang Pilipinas.
Ang mas mataas na taripa umano ay maaaring magtulak ng mga bawas sa presyo ng gasolina na mapapawi ang pagtaas sa unang apat na araw ng kalakalan ng linggo sa Mean of Platts, Singapore.
- Latest