Solo parent, PWD huwag gawing biro - DSWD

MANILA, Philippines — Nanawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga lokal na kandidato para sa midterm elections na itaas ang antas ng diskurso sa kanilang kampanya at iwasang gumamit ng mga biro na nakaaalipusta ng mga nasa vulnerable sector na kinabibilangan ng solo parent, person with disability at buntis.
Reaksyon ito ni Gatchalian sa isang viral video kung saan nagpahayag ng malisyosong komento ang isang lokal na kandidato sa mga solo parent. Aniya hindi nakakatawa ang ganitong pahayag dahil mistula itong pangmamaliit sa naturamg sektor.
Sinabi ni Gatchalian na ang mga solo parent ay mga bayani sa totoong buhay na nagsusumikap upang may maihain na pagkain sa kanilang pamilya sa kabila ng lahat ng pagsubok sa buhay.
Pinayuhan din nito ang mga kandidato na huwag maliitin ang mga botante at panatilihin ang kanilang interes sa pamamagitan ng paghahayag kung ano ang maitutulong sa kanila, imbes na gawin silang punchline ng mga biro.
- Latest