^

Metro

Isko ‘paliliguan’ muli ang Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Isko �paliliguan� muli ang Maynila
Isko Moreno speaks to the public in this undated photo.
Interaksyon / Photo from Philippine News Agency

MANILA, Philippines — Tiniyak ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na uunahin niyang muling ‘paliguan’ ang lungsod mula sa tambak ng basura at krimen sa sandaling makabalik siya bilang alkalde.

Ang paniniyak ay ginawa ni Isko bago lumarga  sa  motorcade sa R-10 sa Tondo, Maynila kasama ang kanyang Vice Mayor na si Chi Atienza. Ani  Isko, sandamakmak ang reklamo sa kadugyutan ng Maynila gayundin ang mga krimen partikular sa R-10.

“Lilinisin natin muli ang Maynila at bibigyan natin ng kapanatagan ang mga residente habang sila ay natutulog, meron pang gobyerno sa kalsada hanggang madaling araw,” ani Isko.

Binigyan diin naman ni Atienza na livelihood  at employment ang kanyang tutukan sakaling palarin na makapuwesto. Aniya, may resibo naman dahil sa loob ng 40 taon ng kanyang samahan ng  Kababaihan ay naipakita na niya ang kanyang kakayahan na tumulong sa mga Manilenyo.

“Makakaasa kayo na para maging isang mabisang bise-alkalde, susuportahan ko nang buong-buo si Yorme Isko Moreno Domagoso,” ani Atienza.

Ang team Isko-Chi ay suportado ng mga Kababaihan ng Maynila, KABAKA, at Kaagapay ng Manileño.

Samantala, pumalo sa 67% ang voter prefe­rence na nakuha ni Isko kumpara kay Rep. Sam Verzosa na may 16% at Mayor Honey Lacuna na 15% batay sa pinakahuling resulta ng OCTA Research na isinagawa nitong Marso 2 hanggang  6 sa pre- election survey sa  2025 Manila mayoralty race.

ISKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->