P600 milyong bulok na karneng nasamsam, sinunog

MANILA, Philippines — Nasa P600-milyon ang halaga ng mga expired na karne ang nasamsam nitong Miyerkules ng mga tauhan National Bureau of Investigation (NBI) sa Mecauayan, Bulacan.
Agad ding sinunog nitong Biyernes sa isang destruction plant sa San Ildefonso, Bulacan ang mga nakumpiskang karne upang hindi na maikalat pa sa merkado at magdulot ng panganib sa kalusugan ng publiko,
Ayon sa NBI, nasa 37 tonelada ng mga karne ng baboy, manok at baka ang kinumpiska noong Marso 12 sa isang cold storage facility sa Meycauayan, Bulacan batay na rin sa kanilang natanggap na impormasyon.
Alinsunod sa direktiba ni NBI Director, Judge Jimmy Santiago, isinagawa ng NBI-Central Luzon Regional Office (NBI-CELRO) ang operasyon gamit ang search warrant laban sa Atkins Import and Export Resources Inc. sa Meycauayan City, Bulacan, dahil sa paglabag sa Republic Act No. 7394 (ang Consumer Act of the Philippines) kaugnay ng Republic Act No. 10611 ( Food Safety Act of 2013).
Pawang nabubulok na ang mga expired na karne na sinunog sa Far East Fuel Corporation.
Sinasabing ginagawa umanong siomai at hotdog ang mga nasabat na mga karne.
- Latest