Cyberlibel tumaas ng higit 13%
MANILA, Philippines — Tumaas ng 13.53% ang kaso ng cyberlibel na naitala ng PNP Anti-Cybercrime Group noong Pebrero. Ito’y makaraang makapagtala ng 151 na kaso ang ACG kumpara sa 133 kaso noong Enero.
Ayon kay ACG Director BGen. Bernard Yang, patuloy na tumataas ang kaso ng online defamation o paninirang puri dahil sa mabilis na paglaganap ng hindi beripikadong impormasyon sa mga digital platform.
Ang mali o malisyosong content kasi ay maaaring makasira sa reputasyon ng isang tao at magdulot ng mental, emotional at physical distress sa tao.
Dahil dito, patuloy na pinaiigting ng PNP-ACG ang kampanya laban sa cybercrime at hinikayat ang publiko na maging responsable sa paggamit ng internet. Pinaalalahanan din ang lahat na agad i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa online.
- Latest