^

Metro

‘Heat stroke break’ ipinatutupad ng Malabon LGU

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinatupad na rin ng pamahalaang lungsod ng Malabon ang  “heat stroke break” sa kanilang mga traffic enforcers upang masiguro ang kanilang kaligtasan sa gitna ng matinding init ng panahon.

Sa abiso ng  Malabon LGU, ang mga duty mula 5 ng umaga hanggang   1pm ay may break na mula 10:00 hanggang  10:30 ng umaga o 10:30 hanggang 11 ng umaga, habang ang naka-duty mula 1 pm hanggang 9 pm ay may break na  mula 2:30 hanggang alas-3 ng  hapon o alas-3 hanggang 3:30 ng  hapon.

Ayon kay Malabon  City Mayor Jeannie Sandoval, hindi dapat na ipagwalang bahala ang mga sakit na dulot ng  matinding init na dulot ng El Niño.

Sinabi ni Sandoval na hinihikayat ang ibang opisina na may mga tauhang nagtatrabaho sa labas na magpatupad ng ganitong break upang matiyak kalusugan at kaligtasan.

“Suportahan natin ang ating mga frontliners sa lansangan—maliit na pahinga, malaking proteksyon”, ani Sandoval.

JEANNIE SANDOVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with