One ID system sa Pasig City isusulong
MANILA, Philippines — Isusulong ni Pasig City Mayoralty candidate Sara Discaya ang pagkakaroon ng One ID system sa lungsod para sa mas mabilis na paghahatid ng serbisyo sa mga residente.
Ayon kay Discaya, makatutulong ang pagkakaroon ng One ID system para sa mabilis na access sa mga serbisyo kabilang ang mga tulong-pinansyal, complimentary medical check-ups, at iba pang benepisyo ng lokal na pamahalaan.
“As we enter 2025, we are actively transforming Pasig into a city that prioritizes efficiency, speed, and modernity. We are committed to ensuring that no Pasigueno faces difficulties in accessing vital services,” ani Discaya.
Naniniwala si Discaya na mapagbubuti ng “One ID system” ang modernization at mas mababawasan ang hirap sa pagproseso sa mga serbisyo.
Tatawagin itong “Pasigueno Pamilya Tayo with Pasig I.D. Card” ay bahagi ng bisyon ni Discaya para sa modern at Smart City na target masimulan ngayong taon.
Sa pamamagitan nito, mababawasan aniya ang hamon at hirap ng mga residente para makuha ang nararapat na serbisyo.
Mapagbubuti rin nito ang serbisyong pangkalusugan dahil sa pamamagitan lang ng pag-scan mabilis na makaka-avail ng libreng check-ups, medications, at iba pang medical support.
- Latest