^

Metro

Rolito Go, dinakip sa pagwawala sa condo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga awotoridad ang ex-convict na si Rolito Go matapos magwala sa isang condominium sa Cubao, Quezon City.

Batay sa naantalang report ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7, galit na pinagsisigawan ni Go ang dalawang opisyal ng Home Owners Association (HOA) ng Portovita condo building noong Pebrero 14, mismong Valentine’s Day.

Batay sa imbestigas­yon, nagalit umano si Go nang hindi nito nagustuhan ang naging resulta ng HOA election na ginanap noong Pebrero 9-12.

Dumulog sa pulisya ang mga bagong HOA officers ng Portovita condo, kabilang ang presidente nito na si Lamberto Beltran Dela Cruz at ang Board of Trustees na si Mrs. Regina Ty Montes, 67.

Sumugod umano si Go sa opisina ng HOA at pinawawalang-bisa umano ang nangyaring election of officers.

Nabatid na ang anak ni Go na si Russel ang dating bise presidente ng HOA at napalitan na sa nabanggit na election officers.

Bagama’t hindi nakita mismo ng mga bagong opisyal ng HOA, hinala nila na armado ng baril si Go dahil nang ibagsak nito sa lamesa ang kanyang dalang clutch bag ay dinig ng lahat ang tumunog na bakal.

Magugunitang, nakulong ng 25-taon si Go dahil sa road rage incident na ikanamatay ng De La Salle student na si Eldon Maguan na kanyang binaril sa ulo sa San Juan City noong 1991.

QUEZON CITY

CUBAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->