^

Metro

Mother tongue gamitin sa public service – solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kung sa eskuwelahan ay pinapayagan ang ‘mother tongue “, nais ni Quezon City District V Rep. Patrick Michael “PM” Vargas na gamitin din ang  lokal na diyalekto sa komunikasyon para sa public service sa buong bansa  na naglalayong maging accessible, inklusibo at transparent ang gob­yerno.

“Language should never be a barrier to public service. It is crucial that government information should be easily understood in different localities in all our regions,” ani Vargas matapos naman nitong irebisa ang iniakda nitong House Bill (HB) 5418 o ang mas kilala bilang “Plain Language for Public Service Act”.

Ang panukalang batas ni Vargas ay naglalayong gamitin din ang ‘mother tongue “ sa iba’t ibang rehiyon sa bansa tulad sa mga public documents sa mga government forms tulad ng sa aplikasyon, public health information leaflets, notices, voting materials, voting education resources.

Gayundin sa komunikasyon sa lokal na gob­yerno, mga anunsyo at iba pa kung saan dapat may ipatupad na piniling lenguwahe na gagamitin sa mga probinsya, bayan, siyudad at maging sa mga rehiyon sa buong kapuluan. Alinsunod sa panukalang batas dapat ding magkaroon ng pagsasanay at capacity building activities sa mga ahensiya ng gobyerno na saklaw ng panukala.

“ it will improve go­vernment efficiency but also strengthen civic engagement by bridging the communication gap in many of our public transactions”, anang solon. Sa kasalukuyan ay nakabimbin pa sa House Committee on Public Information ang HB 5418 na hinihintay pa ang deliberasyon.

Nabatid pa na ang panukalang batas ay kaugnay ng paggunita sa International Mother Language Tongue Day na ipinagdiriwang kada taon tuwing Pebrero 21.

VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with