^

Metro

Pagsuspinde ng DOTr sa cashless toll, pinuri

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ng CLICK Partylist si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio “Vince” Dizon sa kanyang desisyong suspindihin ang mandatoryong full cashless payment system sa mga expressway.

Ayon kay CLICK Partylist First Nominee Atty. Nicasio A. Conti matagal na nilang tinututulan ang pagpapataw ng multa sa mga motoristang hindi gumagamit ng RFID, dahil ito ay pabigat sa mga ordinaryong Pilipino, lalo na sa mga umaasa sa cash payments para sa transportasyon.

Binigyang-diin naman ni  Dizon na ang nasabing mandato ay nagpapahirap sa publiko, dahilan upang ito ay ipatigil muna habang inaayos ang sistema.

Nauna nang inihayag ng grupo ang mga problema sa RFID implementation, kabilang ang palyadong RFID tags, sirang barriers, at hindi maasahang top-up systems, na nagdulot ng matinding trapiko at hindi makatarungang multa.

Patuloy na ipaglalaban ng CLICK Partylist ang patas at epektibong transport policies upang matiyak na ang anumang modernisasyon ay hindi magiging pabigat sa mga motoristang Pilipino.

CLICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with