E-trike driver kalaboso sa pambubugbog sa live-in partner
MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang umbagerong e-trike driver matapos ireklamo ng pambubugbog kanyang live-in partner sa Malabon City kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan, mahaharap ang suspect na si alyas “Erwin”, 37, sa kasong slight physical injury in relation to RA 9262 (VAWC).
Base sa imbestigasyon ng pulisya,dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng maglive-in partner sa Barangay. Tugatog, makaraang magalit umano ang suspect ng lumabas ng bahay ang kaniyang kinakasama at mairita ito sa pag-iyak ng kanilang anak.
Sa pag-uwi ng nasabing babae ay bigla na lamang umanong hinila ng suspect sa buhok ang biktima, sinaktan ito saka kinagat sa kaliwang pisngi na naging dahilan upang magtamo ng mga sugat ang ginang.
Agad namang nagreport sa Malabon City Police Station ang biktima matapos itong magpa-medical sa Jose Reyes Memorial Medical Center na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing mister na nahaharap sa kasong physical abuse.
- Latest

















