Mayor Joy: Pamilya sentro ng Pasko
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na dapat na maging sentro ng pagdiriwang ngayong araw ng Pasko ang pamilyang Pilipino sa kabila ng mga isyu at problema ng bansa.
“Sa kabila ng komersyalismo, ang pamilya pa rin ang sentro ng Paskong Pilipino. Christmas is for the family, no matter how one defines family.Nandiyan ang traditional family composed of parents and their children. There are families anchored by a grandparent or two, caring for their grandchildren whose parents are working abroad,” sabi ni Mayor Belmonte sa kanyang Christmas message.
Kinilala rin ni Mayor Belmonte ang modernong pagdiriwang ng ilang mga pamilya sa ibat ibang paraan na ang ilan ay pinamumunuan ng single parent at ang ibay step families na pawang may ibat ibang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa pamilya.
Aniya ang lokal na pamahalaan ay laging handa sa pagkakaloob ng anumang uri ng tulong sa lahat ng nangangailangan.
”This year, naayos natin ang dokumento ng mga mag-asawang deka-dekada na ang pagsasama. We provided LGBTQIA+ couples the right to decide for their partner when one is in need of medical attention,” sabi pa ni Belmonte.
Napag-alaman na tumugon din ang lokal na pamahalaan sa tawag ng ilang magulang sa abroad na nangangailangan ng tulong para paglaanan ng pagkalinga at pagmamahal ang mga anak sa Quezon City.
“This Christmas season, no matter where we are coming from, may we all find our way back to our family and rekindle the love we have for each other,”pagtatapos ni Mayor Belmonte.
- Latest