^

Metro

Mag-utol arestado sa higit P.7 milyong illegal drugs

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog ang magkapatid sa tinatayang  ?741,000.00 ng shabu at marijuana/kush na nasabat sa kanila nang matiyempuhan ng nagpapatrulyang mga tauhan ng Taguig City Police Sub-station 4 sa Barangay Sta. Ana, Taguig City, Bi­yernes ng gabi.

Sa ulat na isinumite sa bagong talagang si Southern Police District (SPD) Director PBigadier General Manuel Abrugena, ang mga suspek na sina alyas Rosario, 52,  high value individual (HVI) ; at kapatid na lalaking si alyas Rio, 54, street level individual (SLI).

Ayon sa ulat, nagsa­sagawa ng foot patrol ang pulisya nang mamataan ang dalawa sa iligal sa kahina-hinalang ikinikilos habang may dalang handbag alas-11:30 ng gabi ng Disyembre 20.

Nang sitahin ay natuklasang naglalaman ang bag ng 103 gramo ng shabu na may standard drug price na  ?700,400.00 at isang 29 gramp ng Kush o high grade marijuana na katumbas ng ?40,600.00.

Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

SPD

TIMBOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with