^

Metro

Kelot sa ‘Bangga Modus’ timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kelot sa âBangga Modusâ timbog
Ayon kay PLt. Jason Santoceldes, hepe ng investigation section ng Masambong Police ng QCPD, naaktuhan nila ang suspek matapos tangkain muling  manloko.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Arestado sa mga­operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaki na nagpanggap na  “Persons with Disabilities” (PWD) at nagpabundol ng sasakyan nitong Miyerkules sa lungsod.

Ayon kay PLt. Jason Santoceldes, hepe ng investigation section ng Masambong Police ng QCPD, naaktuhan nila ang suspek matapos tangkain muling  manloko.

Nabatid na nabidyuhan at nag-viral sa social media ang kuha ng vlogger na si Hammerman sa pagpanggap umano ng suspek na nabundol ng sasak­yan sa West Avenue sa Quezon City nitong Miyerkules.

Ayon sa post ni Hammerman, mabagal ang daloy ng trapiko at napansin niya ang suspek na nagkuwaring paika-ikang tumatakbo papalapit sa sasakyan na kanyang bibiktimahin.

Paglapit sa sasak­yan ay huminto ang suspek kaya agad nag- preno ang driver pero bigla umanong umupo ang lalaki saka isiniksik ang katawan niya sa ilalim ng bumper ng kotse.

Doon ay nadikubre na umano ng vlogger na modus lang pala ng suspek ang ginagawa nito.

Dahil dito, agad nagsagawa ng pagmamanman ang mga pulis at nahuli sa akto ang ginagawang modus ng suspek kaya agad itong inaresto.

Sinabi ni Santoceldes, nalaman nila na makailang ulit na palang ginagawa ng suspek ang nasabing modus na posibleng pinagkakakitaan nito.

Kinasuhan na ng reklamong alarm and scandal ang suspek na nakapiit ngayon sa Masambong Police detention cell.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with