^

Metro

Dagdag–bawas sa presyo ng petrolyo, aarangkada sa unang linggo ng Disyembre

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Dagdag–bawas sa presyo ng petrolyo, aarangkada sa unang linggo ng Disyembre
Ito ay makaraang ianunsyo ng mga kompanya ng langis na may dagdag-presyo sila sa kada litro ng gasolina na aabutin ng 55 centavos hanggang 80 centavos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Muling aarangkada sa unang linggo ng Disyembre ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo.

Ito ay makaraang ianunsyo ng mga kompanya ng langis na may dagdag-presyo sila sa kada litro ng gasolina na aabutin ng 55 centavos hanggang 80 centavos.

Aabutin naman ng 30 centavos per liter ang ibababa sa presyo ng diesel at  mula 10 centavos hanggang 30 centavos ang bawas-presyo na ipatutupad sa produktong kerosene kada litro.

Sinasabing ang galaw sa presyuhan ng petrolyo sa nagdaang apat na araw ang ugat ng dagdag-bawas sa petroleum products.

Tuwing Martes ipinatutupad ang oil price adjustment.

FUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with