^

Metro

DOH, nakapagtala ng pagtaas ng dengue at leptospirosis cases sa NCR

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOH, nakapagtala ng pagtaas ng dengue at leptospirosis cases sa NCR
Batay sa datos na ibinahagi ng DOH-NCR sa isang pulong balitaan, nabatid na sa kaso ng dengue, naabot na ng rehiyon ang alert threshold.
Stock / Pixabay

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nang pagtaas ng mga kaso ng dengue at leptospirosis sa National Capital Region (NCR).

Batay sa datos na ibinahagi ng DOH-NCR sa isang pulong balitaan, nabatid na sa kaso ng dengue, naabot na ng rehiyon ang alert threshold.

Nangangahulugan ito na mas mataas ang mga naitatalang kaso kaysa sa normal na mga kaso kaya kailangan nang mag-ingat at magpatupad ng mga hakbang upang hindi lumalala o kumalat ang sakit.

Mula Enero 1 hanggang Oktubre 26, 2024 ay nakapagtala na umano ang DOH ng 24,232 dengue cases sa rehiyon, kabilang ang 66 na nasawi.

Ito ay 34% na mas mataas sa 18,020 kaso na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2023.

Karamihan sa nabiktima ay kabilang sa 5-9 age group at majority ay mga lalaki.

Ayon kay Mary Grace Labayen, ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng DOH-Metro Manila Center for Health and Development (MMCHD), may apat na local government units (LGUs) rin na nakaabot na sa epidemic levels, kabilang ang Marikina, Quezon City, Maynila, at Pateros.

Ang Quezon City umano ang nakapagtala ng pinakamaraming dengue cases na nasa 6,208 habang ang Pateros ang may pinakamataas na attack rate.

Samantala, sa kaso naman ng leptospirosis, nabatid na ang Metro Manila ay nananatili pa ring mas mababa sa alert threshold.

Gayunman, may lima umanong local government units ang umabot na sa epidemic levels, kabilang ang Caloocan, Quezon City, Navotas, Pasay, at Taguig.

Nakapagtala rin ang DOH ng kabuuang 2,734 leptospirosis cases sa NCR sa nasabing panahon.

Ito ay 90% na pagtaas mula sa 1,432 lamang na kaso noong nakaraang taon.

Pinakamaraming nabiktima sa age group na 55-59 habang majority ay mga lalaki.

Samantala, mayroon ding 216 tao na sinawimpalad na masawi dahil sa naturang karamdaman.

Ang Quezon City pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng leptospirosis habang ang Malabon City naman ang may highest attack rate.

Inaasahan naman ng DOH na maaa­ring magpatuloy pa ang pagtaas ng mga naturang sakit bunsod na rin ng mga pag-ulan at pagbaha na dulot ng mga nagdaan at paparating pang bagyo.

Patuloy rin naman ang paalala nila sa publiko na maging maingat upang makaiwas sa mga naturang karamdaman.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with