Renewal sa rehistro ng sasakyan, pwede na sa PITX
MANILA, Philippines — Maaari nang mag-renew ng rehistro ng mga sasakyan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ang bagong serbisyo sa pakikipagtulungan sa Land Transportation Office (LTO) ng PITX, kung saan puwede nang maire-renew ang rehistro ng motor vehicle (MV) at motorcycle (MC) sa PITX.
Ayon sa pamunuan, bukod pa ito sa Parañaque Licensing Center sa loob ng PITX na may kaugnayan sa paglilisensya tulad ng mga aplikasyon para sa Student Permit, bagong Driver’s License, Driver’s License renewal, karagdagang restriction codes, at pagbabago ng Driver’s License classification mula Non-Professional to Professional at vice versa.
Binigyang-diin ni Jason Salvador, Corporate Affairs and Government Relations Director ng PITX ang kahalagahan ng bagong serbisyong ito para sa sa umuusbong na pangangailangan ng mga motorista sa Metro Manila at mga karatig na lugar
Para maka-avail ng MV o MC renewal services, kailangang dalhin ng mga motorista ang sumusunod: LTO Client ID number, photocopy ng pinakabagong MV o MC Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR), photocopy/printed proof of electronically transmitted 3rd Party Liability insurance Certificate of Cover (COC) at electronically transmitted Motor Vehicle Inspection System Report (MVISR) o electronically transmitted Certificate of Emission Compliance (CEC).
- Latest