^

Metro

School principal minolestya 4 estudyante, arestado!

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang school principal makaraang ireklamo ng mga magulang ng apat na lalaking Grade 10 students na umano’ y kanyang minolestiya kamakailan sa lungsod ng Quezon.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” ang suspek na si alyas “Bon”, 59, residente ng Cainta, Rizal at principal ng Pugad Lawin High School sa Brgy. Bahay Toro, Que­zon City.

Batay sa report, nangyari ang pang-aabuso nitong Setyembre 28 sa loob mismo ng opisina ng principal sa nabanggit na paaralan.

Ayon sa biktimang si “Ariel”, 15-anyos, Biyernes, Setyembre 27, bandang alas-8:53 ng gabi nang makatanggap siya ng mensahe sa messenger mula sa kanilang principal na nagpapatulong sa aniya’y “office work”.

Kinabukasan, Sabado, Setyembre 28 nang magtungo si “Ariel” sa paaralan kasama sina  “Ian”, 17; “Joe”, 15 at “Tone”, 15, pawang Grade 10 students.

Habang nasa opisina, inutusan umano ng suspek si “Ian” na magsaing. Doon na umano ginawan ng panghahalay ng suspek si “Ian” habang nasa tabi nito ang isang kutsilyo.

Sinundan ni  “Tone” si “Ian” sa kusina kung saan  nakita  niya itong  umiiyak kaya bumalik sila sa kanilang mga kaklaseng sina “Ariel” at “Joe”.

Nagulat na lamang si “Tone” nang siya naman ang gawan ng panghahalay ng suspek at sumunod umano sina “Ariel” at “Joe”.

Agad na nagsumbong sa kani-kanilang mga magulang ang mga binatilyo kaya nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni PLt. Col. Macario Loteyro, ng Project 6 Police Station na nagresulta sa pagkakadakip ng principal.

Samantala, tiniyak ni QC Mayor Joy Belmonte na maparurusahan ang naturang principal kasabay ng panawagan sa iba pang posibleng biktima nito na maghain din ng kaso.

“Hindi namin kailanman kukunsintihin ang ganitong gawi. Titiyakin natin na magkakaroon tayo ng masusing imbestigasyon sa kaso, at handa tayong magpaabot ng tulong legal sa mga biktima upang lalong mapatibay ang kaso laban sa akusado,” ani Belmonte.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga guro at opisyal ng paaralan na tungkulin nilang bantayan, pangalagaan, at unahin ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga estudyante sa loob ng school campus.

ARIEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with