^

Metro

Caloocan LGU tiniyak na prayoridad edukasyon, E-City Library pinasinayaan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng proyekto at prayoridad sa lungsod, pinasinayaan nina Caloocan City Mayor Dalo Gonzalo “ Along” Malapitan, may bahay na si Caloocan Cultural Affairs and Tourism Council (CATC) Chairperson Aubrey Malapitan at guest of honor Director Cesar Gilbert Adriano ng National Library ang  bagong E-City Library  na matatagpuan sa  10th Avenue, sa Barangay 62.

Ayon kay Malapitan, layon ng E-City Library na mas palawakin pa ang reading habits ng publiko bagama’t madali na lamang makita at mabasa ang mga kaila­ngang impoprmasyon sa internet.

“Sa panahon na lahat ay tinatanong na kay Google, iba pa rin ang nahahawakan at naaamoy mo ang mga pahina ng libro,” ani Malapitan.

Nanawagan ito sa mga Batang Kankaloo na sulitin ang paggamit sa mga koleksyon at mga pasilidad ng E-library.

Siniguro ng alkalde na tuluy-tuloy ang pagsasagawa nila ng mga proyekto para tulungan ang mga kabataan na maisakatuparan ang kanilang tunay na poten­s­yal.

CALOOCAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with