^

Metro

Dahil sa malaking sunog F2F at online classes sa iskul sa Tondo, suspendido

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa malaking sunog F2F at online classes sa iskul sa Tondo, suspendido
Ang aftermath ng malaking sunog na tumupok sa daan-daang kabahayan at mga gusali na nakaapekto sa may 1,700 pamilya sa Aroma, Tondo, Manila kamakalawa.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagpasya si Manila Mayor Honey Lacuna na suspindihin muna ang klase sa Gen. Vicente Lim Elementary School sa Tondo, Maynila ngayong Lunes, Setyembre 16.

Ito’y kasunod na rin ng malawakang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Aroma Road 10 sa Tondo, Manila na ikinasugat ng nasa pitong indibidwal at ikinatupok ng nasa siyam na residential building doon.

Ayon kay Lacuna, kasalukuyan pang ginagamit ang naturang paaralan bilang eva­cuation site ng mga pamil­yang nawalan ng tahanan dahil sa naturang sunog kaya’t hindi muna maaa­ring magdaos ng klase ang mga mag-aaral.

“Suspendido ang face-to-face at online classes sa Gen. Vicente Lim Elementary School ngayong darating na Lunes, September 16, 2024, dahil sa malawakang sunog na nangyari sa Aroma Road 10 sa Tondo,” anunsiyo ni Lacuna. “Ito ay kasalukuyang ginagamit bilang evacua­tion site ng ilan sa mga pamilyang naapektuhan ng nasabing sakuna,” dagdag nito.

Dagdag pa ng alkalde, “Magkakaroon ng make-up classes ang mga mag-aaral ng Gen. Vicente Lim Elementary School bilang kapalit ng araw na suspendido ang klase.”

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimulang sumiklab ang sunog sa Building 27, sa Aroma Road, Tondo, dakong alas-11:44 ng umaga kamakalawa na ikinasugat ng pitong katao.

Umabot ng Task Force Bravo ang sunog bago tuluyang naidekla­rang under control dakong alas-6:20 ng gabi.

Kabilang sa naapektuhan ng sunog ay 9 na gusali, na lima ang tupok na tupok habang apat naman ang partially-gutted lamang.

LACUNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with