^

Metro

Basurero, sugatan sa boga ng sekyu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sinita dahil sa pagkakalat

MANILA, Philippines — Arestado ang isang security guard matapos ang isinagawang  follow-up operation ng  Quezon City Police District (QCPD) bunsod ng pamamaril sa isang ba­surero dahil sa pagkakalat nito, kahapon ng umaga .

Arestado ang suspect na si Remwil Garcera, 58, security guard ng Kamay Kainan at residente ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Ginagamot naman ang  biktimang si Mark Oliveros, 37 ng Brgy.Commonwealth, QC.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari  ang insidente bandang alas-10 ng uma­ga sa harap ng Kamay Kainan sa panulukan ng  Malamig St. at Kalayaan Avenue, Brgy. Central, Quezon City.

Lumilitaw na sinita ng  suspek ang  biktima dahil sa umano’y pagkakalat nito sa harap ng  nasabing restaurant.

Ikinagalit ng biktima ang  paninita hanggang magkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong sa pagpulot ng  bato  ng una.

Sa akmang babatuhin ng  biktima ang suspek, dito na binunot ng  huli ang kanyang 38 caliber service firearm at tatlong beses na pinaputukan ang biktima.

Nagtamo ng tama sa kanang tiyan ang  biktima at ngayon ay ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Sa mabilis na res­ponde ng QCPD, nakuha sa suspek 38 caliber revolver, 6 na live ammunitions at tatlong basyo habang inihahanda ang kasong  frustrated homicide.

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with