^

Metro

Pagpasok sa bansa ng 4 dayuhan, pinigil ng BI

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinigil ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang pagpasok ng apat na dayuhang nagkunwaring bumabalik na turista ngunit pinaghihinalaang magtatrabaho sa bansa.

Kinilala ng mga opisyal ng imigrasyon ang tatlong lalaking Vietnamese nationals na sina Truong Quang Than, 28 ; Bui Van Chi, 36, Ngo Dan Tuong 22, at isang babae na si Nguyen Hoang Minh Huy, 19.

Dumating ang apat sakay ng isang flight ng Philippine Airlines mula Hanoi at nagpakilalang mga turista.Sa ikalawang pagsusuri, napansin ng mga opisyal ang mga hindi tugmang pahayag ng grupo tungkol sa kanilang layunin sa pagbisita.

Natuklasan na dati na silang nanatili sa bansa nang matagal, hanggang pitong buwan. Sa kalaunan, ­inamin ng isa sa kanila na siya ay nagtrabaho sa isang catering business noong nakaraang pananatili sa bansa, nang walang wastong visa

Samantala, ipinatapon ng BI-NAIA ang dalawang Korean fugitive

Dalawang South Koreans na wanted sa electronic financial fraud ng mga awtoridad sa kanilang bansa ang ipinatapon ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na si Kwon Hyuckkeun, 41, at You Hyun Tea, 53, ay ipinatapon sa Incheon, South Korea sa pamamagitan ng Korean Air flight noong Agosto 21.

BUREAU OF IMMIGRATION

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with