Philstar Damayan, FFCCCII umayuda sa typhoon victims sa Quezon City
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap na taga-lungsod na sinalanta ng pagbaha sa ginanap na typhoon relief charity project sa Amoranto Stadium sa Quezon City.
Kasama ni Mayor Belmonte sa pamamahagi ng ayuda ang Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation na pinamumunuan ni FFCCCII President Dr. Cecilio K. Pedro sa pakikipag tulungan ng Philippine Star Damayan Civic project na pinamumunuan ni Philstar President/ CEO Miguel G. Belmonte.
Umaabot sa 5,000 packs ng bigas na may limang kilo ang laman bawat isa at instant noodles ang naipamahagi sa mga sinalanta ng pagbaha kamakailan sa QC.
Ang Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation ay kinabibilangan ng 30 major Filipino Chinese business, civic at cultural federations.
- Latest