Animal shipment inspection at monitoring, pinaigting ng BAI sa NCR
MANILA, Philippines — Higit pang pinaigting ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) at local government units ang pagsusuri at pagsubaybay sa lahat ng animal shipments sa National Capital Region.
Ito ayon sa BAI ay bahagi ng patuloy na kampanya ng tanggapan upang maprotektahan ang kalusugan ng mga hayop at maiwasang lumaganap ang mga sakit tulad ng African Swine Fever (ASF) tuloy maingatan ang livestock industry sa bansa.
Nitong August 28, 2024 may kabuuang 1,963 shipments ng live animals at meat products ang sumailalim sa inspeksyon at mga checkpoints sa NCR.
Sa naturang bilang, 113 shipments ang pinabalik sa kanilang points of origin dahil sa non-compliance sa animal health regulations habang ang 13 shipments ay sumailalim sa pagsusuri para matiyak na libre sa sakit.
May 10 shipments naman ang na condemned dahil sa matinding health concerns habang may 1,827 shipments ay nareleased makaraang pumasa sa kaukulang mga requirements.
Una nang nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mga hog traders at transporters na mag comply sa batas at regulasyon upang maiwasan ang paglaganap ng ASF at iba pang uri ng sakit sa mga hayupan sa bansa.
- Latest