^

Metro

Lider ng armed robbery group, utas sa sekyu

Ludy Bermundo - Pilipino Star Ngayon
Lider ng armed robbery group, utas sa sekyu
Barangay San Isidro, Makati City.
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang isa sa limang lalaking nangholdap sa isang fruit store nang mabaril ng security guard, habang isa ang naaresto at tatlo pa ang nakatakas, kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Kinilala ang nasawi na si alyas “Jeric”, 27, sinasabing lider ng notoryus na Brondial Criminal Group.

Sa ulat na isinumite kay Southern Police District (SPD) Director P/ Brig. Gen. Leon Victor Rosete, naganap ang insidente bandang alas-2:50 ng madaling araw sa Barangay San Isidro, Makati City.

Sa inisyal na imbestigasyon, puwersahang pinasok ng mga armadong suspek ang tindahan at nagdeklara ng holdap.

Dalawa sa mga armadong suspek ang pumunta sa ikalawang palapag habang ang natitirang tatlo ay nanatili sa ground floor, kung saan nakuha ang mga cellphone ng sekyu at iba pang empleyado ng tindahan.

Nataranta ang mga suspek nang biglang makarinig ng sirena ng pulis kaya mabilis na tumakas subalit si Jeric ay nagawang barilin ng nakatalagang security guard..

Kabilang sa hawak na ebidensya ng pulisya ang baril ng suspek at dalawang motorsiklo.

Sa beripikasyon, si Jeric ang lumalabas na lider ng naturang grupo at natukoy din na may nakabinbing standing warrants of arrest sa mga kasong carnapping, murder at robbery.

Batay sa kuha ng CCTV, ang guwardiya na unang nakitang nakadapa ay nakakuha ng tiyempo kaya nanlaban sa limang holdaper at isa ang kaniyang tinamaan na agad na nasawi.

vuukle comment

MAKATI CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with