^

Metro

San Lazaro Hospital kapos na sa gamot, nars!

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
San Lazaro Hospital kapos na sa gamot, nars!
This file photo shows the San Lazaro Hospital in Manila, a specialty tertiary government hospital that is also a referral facility for infectious and communicable diseases.
The STAR / Edd Gumban, file

Sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis

MANILA, Philippines — Kapos na ng gamot at kulang din ang nurses sa San Lazaro Hospital dahil sa pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng na-admit hanggang nitong Sabado.

Pahayag ito kahapon ni Dr. Princess Petallana, isa sa mga doktor na nakatalaga sa Adult Infectious Diseases Unit ng San Lazaro Hospital.

Nasa 57 na ang kabuuan ng pasyenteng may leptospirosis sa San Lazaro Hospital, matapos madagdagan pa sa buong magdamag ng Sabado ng 23 pang katao na tinamaan ng nasabing sakit na nagmula sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Hindi pa naman ani­ya, umabot sa 65-bed capa­city ang leptospirosis ward subalit kulang naman ang mag-aasikaso sa mga pasyente, bukod pa sa kakulangan ng gamot. Ito’y sa kabila aniya, nang pagpull-out nila ng mga nurse mula sa ibang department at wards.

Ang may malalang kondisyon ay kailangang sumailalim sa dialysis na pinoproblema nila dahil sa apat lamang aniya, ang kanilang hemodia­lysis machine at tatlong nurse lamang ang maaa­ring mag-operate nito.

Una nang inihayag ng Department of Health (DOH) na handa silang magpadala ng health workers, gamot at iba pang kinakailangan sa DOH hospitals.

Umapela na ang DOH na magtungo na ang ibang pasyente sa iba pang ospital at huwag nang magdagsaan sa San Lazaro at Natio­nal Kidney and Transplant Institute (NKTI).

“’Wag nating kalimutan na hindi lang NKTI ang gumagawa ng dia­lysis. Ang dialysis ginagawa ‘yan sa halos lahat kundi lahat ng ospital. At meron ding freestanding dialysis cen­ters,” ani DOH Spokesperson, Dr. Albert Domingo.

Sa pinakahuling tala, nasa 70 pasyente ang na-admit sa NKTI nitong Biyernes na dahilan din para hilingin ng NKTI na dagdagan ang nurses ng 20 at 10 pang medical doctors, na nagawa namang padalhan na ng DOH hospitals at Phili­ppine Red Cross.

Nitong Hulyo 1-27, nasa 1,400 na ang kaso ng leptospirosis, ani Domingo.

Nilinaw rin ni Domingo na mahalaga ay tumawag muna sa tele­phone number 8531-0037 bago dalhin ang pasyenteng may leptos­pirosis upang malaman kung saan may bakante pang kama.

Naglabas na rin ng memorandum ang DOH na nag-uutos sa lahat ng ospital sa National Capital Region (NCR) na i-activate ang kanilang Leptospirosis Surge Capacity Plan bilang paghahanda sa posibleng mas malaking pagtaas ng mga kaso habang nagpapatuloy ang tag-ulan.

vuukle comment

SAN LAZARO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with